True ba na trabaho ang inatupag ni Sarah Geronimo noong Valentine’s Day at wala silang oras ni Gerald Anderson na mag-date?
Kung sabagay tanghali pa lang ay kapiling na niya ang press people para sa bago niyang show sa ABS-CBN 2 na ‘Sarah G Live!’.
”Every Valentine’s Day naman po may trabaho naman ako, e,” sambit niya.
”Hindi naman siya ‘yong something na parang nilu-look forward ko talaga,” sey niya.
Yes, handang-handa na ang pinakabatang Pinoy pop royalty na si Sarah Geronimo sa kanyang sariling live solo musical variety show sa ABS-CBN na “Sarah G. Live.”
Tampok ang kanyang mga hindi mapapantayang world-class concert performances na magpapatunay na siya ang pinakamaningning na bituin ng kanilang henerasyon.
Bukod sa kanyang singing talent, ibabahagi rin ni Sarah sa “Sarah G. Live” ang kanyang mga personal na karanasan at ilang never-before-seen ‘Sarah G. moments’ na tiyak ikaliligaya ng fans.
Makakasama ni Sarah na magpasaya sa “Sarah G. Live” ang co-host niyang si Luis Manzano, musical director Louie Ocampo, choreographer Georcelle Dapat-Sy, at director Erick Salud.
Tampok rin sa show ang G Force at si Gab Valenciano bilang dance performers and isang special guest co-host kada linggo.
Huwag palampasin ang engrandeng pagbubukas ng “Sarah G. Live,” sa Pebrero 26 (Linggo), pagkatapos ng “Rated K.” sa ABS-CBN 2.
- Buntis napaanak sa show ni Jhake Vargas
- Xian Lim araw-araw na gustong makita si Kim Chiu
- Kagatin kaya ng publiko ang bagong loveteam ng GMA 7?
- Laos na singer-singeran ipinanraraket ang bikini open?
- Karylle naniniwala sa kasal
- Tama lang na i-boycott ang mag-asawang Raymart at Claudine
- Battered child kaya pala pasaway
- Nangunguna kahit baguhan pa
- Kim Chiu, Xian Lim totohanan na ang relasyon
- Sharon Cuneta nagpakumbaba na kay Helen Gamboa
- Bukod sa may Jake Cuenca na… Shaina Magdayao napuno sa pambababae at pagiging lasenggo ni John Lloyd Cruz?
- Pasaway na aktres mahilig makipagkuyangyangan sa mga bagets na guwapings



