Today's Punto
Today's Punto
Showbiz
Pauleen Luna seduced Vic Sotto??? “Puwede, ganun naman talaga, bumibigay ang lalaki ‘pag nagbibigay ng motibo ang babae!” – OYO BOY SOTTO
By Ceasar Pambid

Feb 16, 2012

Sa gtina ng masayang interview-han ng ibang mga kapatid sa press kay Oyo Boy Sotto nuong launching ng mga bagong shows ng TV5 na ginanap sa NBC ent , Fort Bonifacio, Global City the other day., naisingti namin yung katanungan kung naniniwala siyang si Vic Sotto ang klase ng lalaking, nanliligaw lang sa babae kapag nagpakita ng motibo sa kanya.

“Sino’ng nagsabi niyan,” balik tanong pa niya sa amin.  “Wala lang, ‘yan ang general opinion, pinag-uusapan sa table namin kanina,” sagot naman namin.

Puwede, puwede talagang ganun naman di ba, ba’t ka naman hahabol sa babae kung walang motibo, in the first place, ganun naman talaga, ‘di ba!” reaksyon pa nito.

We’ll, this doesn’t go to mean na si Pauleen yung sinasabi ni Oyo Boy na na-seduce nga ni Pauleen ang tatay niya, kaya sila nagging magkarelasyon. ‘Yung aming tanong ay base sa general belief na ganun na nga.

But if some people would say one plus one equals two, e di sige, paniwalaan nilang ganyan nga.

Anyway, it seems, Oyo Boy Sotto stands on his ground. He’s really oput to shout to the whole world na against talaga siya kay Pauleen.  Kahit paulit-ulit, hindi talaga siya naiiritang ulit-ulitin, ayaw niya kay Pauleen para sa daddy niya.

“Basta ayaw ko lang, ayaw ko talaga,” nakasimangot na salita pa ni Oyo Boy.

Bago nga pala kami nakasingit, masaya yung interview-han lalo na ‘yung parte tungkol kay Kristine at sa anak niya.

Masaya si Oyo habang nakikipag-usap sa amin lalo pa’t ang topic ay ang misis na si Kristine Hermosa at  ang kanilang two-month old baby.

“Hindi namin masyadong ipinagkakatiwala sa yaya ang bata. Kapag may mga importante lang kaming lakad ni Tin. Pero kapag wala, kaming dalawa ang nag-aalaga, halinhinan kami,” kuwento ni Oyo.

“Nagpapalit ako ng diaper,” sabi pa ng very proud father.

Kinumusta rin namin si Kristine kung balak ba nitong magbalik-showbiz.

“Ang alam ko, oo. At alam ko hindi na naman siya exclusive sa ABS-CBN, tapos na nga ang contract niya sa kanila, siguro kung may mga offer sa GMA 7 o dito sa TV5, we will think about it at kung alam niya kung ano ang maganda, eh, siya na ang magdedesisyon du’n.

In six month’s time ready na siya to go back, but right now, naka-concentrate pa siya sa baby namin. Sobrang nag-e-enjoy siya sa pag-aalaga,” sabi pa ni Oyo.

At tungkol nga kay Pauleen, yung dati na niyag sagot ang sinabi niya

“Kung ano ang nasabi ko sa Twitter, ‘yun na ‘yun, eh,” say ni Oyo.

Naniniwala ba siyang may relasyon ang dalawa?

“Si Daddy kasi kapag may karelasyon sinasama niya ito sa family gatherings. Pero si Pauleen, never pa namang naisama ni Daddy.”

Hindi rin daw naman nila pinag-uusapan ang tungkol kay Pauleen kapag nagkikita silang mag-ama.

Aminado naman si Oyo na magkaibigan sila ni Pauleen, pero ngayon daw na may lumabas na isyu sa kanila ni Vic, nagkaroon na ng lamat ang kanilang pagkakaibigan. At never pa raw silang nagkita ulit ni Pauleen.

Tungkol naman sa biglang pagko-collapse ni Pauleen nu’ng Monday sa Juan For All, All For One segment ng Eat Bulaga habang nasa Davao ito, aniya, “hindi ko napanood nu’ng araw na ‘yun eh, pero nabalitaan ko nga.

Sa video clips ko na lang nakita.”

Sabi namin, nagbiro si Vic kay Allan K kung hindi raw ba naghahanap ng maasim si Pauleen? Tawa lang ang naging sagot ni Oyo.

So there!

Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions