Makikipagpustahan po ang inyong kolumnista that after the incident na hinimatay si Pauleen Luna sa msimong live broadcast ng Eat Bulaga sa Davao noong isang araw, ang kasunod nun ay umaatikabong mga umuusok na tsismis surrounding that incident.
Buntis si Pauleen Luna, tiyak na tiyak na banner yan sa lahat ng istorya. Ano pa nga ang aasahang kasunod nun kundi mga tsikang nag-i-infer na buntis nga si Pauleen.
Pero true kaya? Ako, I personally wouldn’t know, I have no way of confirming it.
My only point, hindi naman talaga titigiul ang usok ng mga tsismis, kasi nga, yung ganyang mga hinihimatay, usually mga nagbubuntis.
Pero ayon mismo sa live explanation ni Allan K, napuyat daw sila, kaunti lang ang tulog, tila hindi pa sila nag–almusal.
At tila di naman grabe yung nangayri, Pauleen just passed out at yun lang, kasi nga naidaan pa sa biro sa Eat Bulaga’ng lahat. Pero kitang-kita yung mapaklang ngiti ni Bossing habang pilit na idinadaan sa biro ang lahat.
I could just imagine yung kaba niya na mismong sa ere nangyari yung pagkahimatay ng kanyang nobya. Kahit naman siguro sino, will feel the agoniozing trauma, magaling nga lang mag-conceal, dahil di siya nagpakitang nag-panic siya ni katiting, on tv.
Pero bakit nga ba hinimatay si Pauleen?
Sobrang pagod, gutom?
Malaman pa kaya natin ang tunay na medical ek tungkol dito.
May bulletin na okey na raw si Pauleen. Di na siya umalis pa ng Davao ng the same day, nagpahinga na lang daw siya sa hotel na tinuluyan nila.
Or shall we just contend ourselves listening to the gossips na buntis nga si Pauleen Luna?
- Buntis napaanak sa show ni Jhake Vargas
- Xian Lim araw-araw na gustong makita si Kim Chiu
- Kagatin kaya ng publiko ang bagong loveteam ng GMA 7?
- Laos na singer-singeran ipinanraraket ang bikini open?
- Karylle naniniwala sa kasal
- Tama lang na i-boycott ang mag-asawang Raymart at Claudine
- Battered child kaya pala pasaway
- Nangunguna kahit baguhan pa
- Kim Chiu, Xian Lim totohanan na ang relasyon
- Sharon Cuneta nagpakumbaba na kay Helen Gamboa
- Bukod sa may Jake Cuenca na… Shaina Magdayao napuno sa pambababae at pagiging lasenggo ni John Lloyd Cruz?
- Pasaway na aktres mahilig makipagkuyangyangan sa mga bagets na guwapings



