Nagandahan kami dun sa tsismis na tinototoo na kapuwa nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo ang relasyong pampelikula lang.
But did you know, itinanggi pareho nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson na mayroon na silang secret relationship? Nagsimula kasing matsismis ang dalawa nang aminin ng Pop Star Princess na binigyan siya ng Tiffany necklace ng young actor last Christmas.
Kasunod nito ay natsismis na spotted daw si Gerald sa labas ng dressing room ni Sarah sa ASAP ’12.
Matatandaan ding gumawa ng dalawang pelikula ang dalawa kaya hindi nakapagtatakang maging close talaga sila.
Pero sa panayam ni Gerald sa ABS-CBN, aniya, hindi sila nagkikita ni Sarah lately.
“Hindi naman. Siyempre, kung magkaroon ako ng chance, yeah, sige. But hindi, eh, kasi halos hindi kami nagkikita. Once lang kami nagkita, nu’ng isang araw lang. Text-text kami. Kinukumusta ko siya,” sabi ni Gerald.
Halos ganito rin ang statement ni Sarah.
Aniya, once lang sila nagkita ni Gerald at ito ay noong pumunta ito sa bahay nila para iabot ang Christmas gift.
Pero nang matanong si Sarah kung willing siyang maka-date si Gerald sa Valentine’s Day, sinabi ng dalaga na kung pareho silang libre, tingnan natin.
- Buntis napaanak sa show ni Jhake Vargas
- Xian Lim araw-araw na gustong makita si Kim Chiu
- Kagatin kaya ng publiko ang bagong loveteam ng GMA 7?
- Laos na singer-singeran ipinanraraket ang bikini open?
- Karylle naniniwala sa kasal
- Tama lang na i-boycott ang mag-asawang Raymart at Claudine
- Battered child kaya pala pasaway
- Nangunguna kahit baguhan pa
- Kim Chiu, Xian Lim totohanan na ang relasyon
- Sharon Cuneta nagpakumbaba na kay Helen Gamboa
- Bukod sa may Jake Cuenca na… Shaina Magdayao napuno sa pambababae at pagiging lasenggo ni John Lloyd Cruz?
- Pasaway na aktres mahilig makipagkuyangyangan sa mga bagets na guwapings



