Ayon sa isa sa mainstays ng Showtime na si Karylle, hindi naman daw nila iniisip na makipagkumpetensiya sa Eat Bulaga.
As we all know, ang Showtime ang ipinalit sa Happy Yipee Yehey at makakabangga na nila sa timeslot ang institusyong noontime show nina Tito, Vic and Joey.
“We’re not gonna think na as if we’re competing with anybody. We just wanna make people happy and make them more happy.
“’Yun ’yung main thing na pinanghahawakan ko na gusto naming gawin,” sabi ni Karylle.
Ito raw ang isa sa mga napag-usapan nila sa naganap na family meeting ng staff and hosts ng programa.
“Nilabas namin lahat ng fears kasi ganu’n na ka-close ’yung grupo (namin) kung anong gusto naming sabihin, no judgment, no anything.
“Of course it’s good to be competitive, pero kung ’yun at ’yun lang tinitingnan mo, medyo namamali ’yung direksyon,” say ni Karylle.
Samantala, pagdating sa kanyang lovelife, obvious namang masaya ang dalaga sa relasyon nito with Spongecola frontman Yael Yuzon kahit wala pang opisyal na pag-amin ang dalawa na sila na.
“Ayoko nang mag-share, kasi nagawa ko na ’yun before. Hindi naman sa dedma, pero whenever I sing or write songs, nandu’n naman ’yung message,” pagtatapos nila.
- Buntis napaanak sa show ni Jhake Vargas
- Xian Lim araw-araw na gustong makita si Kim Chiu
- Kagatin kaya ng publiko ang bagong loveteam ng GMA 7?
- Laos na singer-singeran ipinanraraket ang bikini open?
- Karylle naniniwala sa kasal
- Tama lang na i-boycott ang mag-asawang Raymart at Claudine
- Battered child kaya pala pasaway
- Nangunguna kahit baguhan pa
- Kim Chiu, Xian Lim totohanan na ang relasyon
- Sharon Cuneta nagpakumbaba na kay Helen Gamboa
- Bukod sa may Jake Cuenca na… Shaina Magdayao napuno sa pambababae at pagiging lasenggo ni John Lloyd Cruz?
- Pasaway na aktres mahilig makipagkuyangyangan sa mga bagets na guwapings



