Sa presscon ng pelikulang Unofficially Yours, inamin ni John Lloyd Cruz na sila na ulit officially ni Shaina Magdayao.
May mga inayos lang daw sila sa kanilang relasyon at ngayon ay okay na sila.
Ang leading lady naman niyang si Angel Locsin, masaya na sa pagiging unofficial ng kanilang relasyon ni Phil Younghusband.
Actually, sa kanya talaga mas bagay ang title na Unofficially Yours dahil up to now, wala pa rin silang official confirmation ng kanilang relasyon.
“Pero siyempre, at the end of the day, gusto mo pa ring maging official. Mahirap kasi ’yung hindi ka sure, eh. Pero mahirap din naman kasing pilitin kung hindi pa naaayon.
“May confusion, inaamin ko naman ’yun. Lalo na ’pag tinatanong n’yo ako kung ano ba, kayo ba, ganyan. Eh, hindi ko po talaga alam. Basta ang alam ko lang, may love, in love. ’Yun,” pahayag ni Angel.
So, ’yun ang official pa lang sa ngayon — in love sila ni Phil sa isa’t isa?
“Ah, masasabi ko po, yes. Nandoon po ’yung love. ’Yung label and ’yung status, ’yun po ang isang malaking question mark pa po sa akin. Na hindi pa nga po namin napag-uusapan, napag-uusapan na ng lahat.
Kaya mas mahirap po.”
Aminado si Angel na masaya siya ngayon.
Showing na ang Unofficially Yours sa Feb. 15 mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.
- Buntis napaanak sa show ni Jhake Vargas
- Xian Lim araw-araw na gustong makita si Kim Chiu
- Kagatin kaya ng publiko ang bagong loveteam ng GMA 7?
- Laos na singer-singeran ipinanraraket ang bikini open?
- Karylle naniniwala sa kasal
- Tama lang na i-boycott ang mag-asawang Raymart at Claudine
- Battered child kaya pala pasaway
- Nangunguna kahit baguhan pa
- Kim Chiu, Xian Lim totohanan na ang relasyon
- Sharon Cuneta nagpakumbaba na kay Helen Gamboa
- Bukod sa may Jake Cuenca na… Shaina Magdayao napuno sa pambababae at pagiging lasenggo ni John Lloyd Cruz?
- Pasaway na aktres mahilig makipagkuyangyangan sa mga bagets na guwapings



