Today's Punto
Today's Punto
Showbiz
Rich Asuncion binalasubas ng Bb. Pilipinas Charities
By Ceasar Pambid

Feb 02, 2012

Isang maasin na smirk ang laging reaction ni Rich Asuncion kapag binabanggit sa, kaya ang muling pagsali sa isang beauty contest. You see, beauty queen material talaga si Rich dahilsa angking ganda nito, pero mukhang buwisit na buwisit sa prospects ng muling pagpasok niya.

Very recently, Rich had an interview with some movie press kaugnay ng isang teleserye where she plays support as a kontrabida at yun na nga, naungkat yung kung sasali raw ba siya sa Miss World ek this year.

Nega siyempre ang kasagutan galing kay Rich at napakarami niyang negativre na tinuran kaugnay  nito.

Una na nga  ‘yung hindi raw kasama sa mga ambisyon niya ang maging isang beauty queen. Naniniwala raw siyang may ibang destiny siya at hindi nga ito ang mundo ng mga beauty queens. 

“Simple lang po ang buhay na gusto ko, heto na ngayon, nasa acting world, ayaw ko ang guluhin pa’ng mundo ko.”

Sinabi rin ni Rich na noong sumali siya sa Bb. Pilipins, pinilit lang siya pero tama raw ang desisyon niyang tumigil na. Una na yung nadala na siya dahil hanggang ngayon, di pa naibigay yung premyo niya sa contest na yun.

In short, malinaw na malinaw, binalasubas daw siya ng Bb. Pilipinas Charities.

Mabait kasi si Rich, tama yung sinabi niya, simple siya at simple lang ang gusto. Sa kasimplehan, lagi na lang siyang nasisimplehan.

Nauunahan kumbaga. Nasa kumplikadong mundo nga siya’t dahil simple lang siya, mukhang di siya bumabagay sa movie world.

Hindi ba, naisahan siya ni Aljur Abrenica na ang dahil sa kasimplehan niya, before she knew it, itinakwil at itinatwa na siya ni Aljur.

Kamuntik na rin siyang nasimplehan  ni Ervic Vijandre, Pihado kasi, may malaking bagay din silang hindi napagkasunduan kaya nga nawala yung friendship nila.

Hula ko dahil simple si Rich at kumplikado si Ervic, hingi nag-workout ang relasyon ayon sa gusto ni Rich.

Heto na, mukhang nasimplehan din siya ng GMA 7. Imagine, maganda naman at marunong umakting si Rich, pero ayan, kulelat siya sa GMA 7. Lagi lang suporta kundi kontrabida’ng roles niya.

Sa kasimplehan ni rRch, hindi na siya umaasang aasenso pa siya bukod sa pagiging kontrabida. 

Aba kung hindi pa siya aayon sa mundo ng mga kumplikado, isang araw magigising siya, wala naman pala siyang career.

Siya rin, lahat ng nakasabay niya ay nasa glorya na, siya nandiyan pa rin sa purgatoryo.

Bilis, Rich nahuhuli ka nang masyado.

Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions