Civilian agent ng Army kulong
OLONGAPO CITY – Nakakulong ngayon ang isang civilian agent ng Philippine Army matapos itong mahulihan ng baril sa isang Comelec check point sa Barangay Barretto dito.
Kinilala ni Senior Supt. Christopher Tambungan, city police director, ang suspek na si Ricardo Madeja, 36, residente ng Barangay Calapandayan, Subic, Zambales.
Ayon sa ulat dakong 11:30 ng gabi, isang grupo ng mga pulis na pinamunuan ni Senior Inspector Gil Domingo, hepe ng Police Station 6, ay nagsasagawa ng check point ng mapadaan ang suspek gamit ang motorsiklo na walang plaka.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagpakilalang civilian agent ng 7th Infantry Division ng Philippine Army, Port Ramon Magsaysay, Nueva Ecija ang suspek at lisensyado umano ang kanyang dalang baril at may mission order ito.
Subalit ng hanapan siya ng “exemption certificate” galing sa Comelec, wala siyang maipakita sa mga awtoridad.
Narekober sa suspek ang isang kalibre 9mm pistol na may dalawang magazine na naglalaman ng may 13 na bala bawat isa.
Ang suspek ay nasa custody na ng Police Station 6 ng Olongapo City Police Office at nahaharap sa kasong paglabag sa Comelec Resolution 9313 (Omnibus Comelec Gun Ban).
- PAGLABAG SA R.A. 9003
‘LGUs kasuhan’ - ‘WIN-WIN’ SOLUTION
Porac mayor, VM agree on Tapang’s proposal - Pineda assures creation of farmers’ trading post
- Hanjin to hire more workers this year
- INSTALLS FIRST RAIN GAUGES
Bataan exposed to stronger typhoons in 2012 – PAGASA - Tune Hotels to open 4th branch
- Lider ng robbery gang, kritikal sa pamamaril
- SEES PHL AS EXPORTER
Agriculture exec confident on rice self-sufficiency by next year - Angeles to stage city-wide Santacruzan
- CSF open dumpsite ibinulgar ng obispo
‘Mayor Oca is trying his best, but his best is not good enough’ - Bishop Bobet named San Jose, NE prelate
- Marang urges women to serve with passion



