MALOLOS CITY—Hindi pabor si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo sa panukalang shoot to kill order laban sa nagtatagong si retiradong Major General Jovito Palparan.
Sa halip, iginiit niya na dapat madakip ang heneral at iharap sa korte upang litisin.
“Ginagawa naman naming ang lahat, at ayaw kong magbigay ng shoot to kill order,” ani Robredo sa isang ambush interview kahapon matapos siyang magsalita bilang panauhing pandangal sa isinagawang talakayan para sa mabuting pamamahala na inorganisa ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at ng Diyosesis ng Malolos.
Ang pahayag ni Robredo ay bilang tugon sa panawagan ni Erlinda Cadapan, ina ng isa sa nawawalang UP student na si Sherlyn Cadapan.
Iginiit pa niya na “ang nais namin ay iharap siya (Palparan) sa husgado.”
Kaugnay nito, itinanggi ni Robredo ang alegasyon na mismong nasa kampo ng militar ang nagkakanlong ngayon kay Palparan.
Sinabi niya na ang mga alegasyon ay haka-haka lamang at hinamon ang mga militanteng grupo na tukuyin kung sino ang nagkakanlong kay Palparan.
Samantala, sinabi ni Abogado Edre Olalia, ang tagapagsalita ng National Union of Peoples Lawyers (NUPL), na kung talagang may nagkakanlong kay Palparan, dapat ding tukuying nga ito upang makasuhan.
“They are not only condoning the heinous and beastly crime he and his roving band are being charged of but they are perpetuating impunity,” ani Olalia.
- PAGLABAG SA R.A. 9003
‘LGUs kasuhan’ - ‘WIN-WIN’ SOLUTION
Porac mayor, VM agree on Tapang’s proposal - Pineda assures creation of farmers’ trading post
- Hanjin to hire more workers this year
- INSTALLS FIRST RAIN GAUGES
Bataan exposed to stronger typhoons in 2012 – PAGASA - Tune Hotels to open 4th branch
- Lider ng robbery gang, kritikal sa pamamaril
- SEES PHL AS EXPORTER
Agriculture exec confident on rice self-sufficiency by next year - Angeles to stage city-wide Santacruzan
- CSF open dumpsite ibinulgar ng obispo
‘Mayor Oca is trying his best, but his best is not good enough’ - Bishop Bobet named San Jose, NE prelate
- Marang urges women to serve with passion



