Mismong noong araw ng kanyang birthday, namudmod ng tiglilimang daang psio si Willie Revillame. Kumbaga, bukod sa pamamahagi sa kanyang programa sa television, Willie went out of his way para mag-share ng blessings among the poor.
Yes mismong sa Novaliches, sa isang lugar na malapit lang sa TV5 Studio pumarada’ng entourage ni Willie at mamudmod ng salapi.
Talagang pinagkaguluhan at hinahabol ng mga tao ang sinasakyan ni Willie habang nagpapaikut-ikot sa mga kalye ng nasabing lugar. Lahat ay tuwang-tuwa na makita nang personal ang pamosong host ng Wil Time Big Time.
Lalo pang pinagkaguluhan ng mga tao si Willie nang mapansin ng mga ito na namimigay siya ng tig-500 pesos.
‘Yon nga lang, kahit siguro male-maleta pang pera ang dala ni Willie, hindi talaga kakayaning mabigyang lahat sa dami ba naman ng mga taong kanyang nadadaanan.
Pero at least, nag-effort si Willie na makapag-share ng blessing sa mismong araw ng kanyang kaarawan bago siya tumuloy sa live airing ng Wil Time Big Time.
At marami-rami rin siyang napasaya nang dahil sa kagandahang-loob niyang iyon.
O, hindi po ba?
- Buntis napaanak sa show ni Jhake Vargas
- Xian Lim araw-araw na gustong makita si Kim Chiu
- Kagatin kaya ng publiko ang bagong loveteam ng GMA 7?
- Laos na singer-singeran ipinanraraket ang bikini open?
- Karylle naniniwala sa kasal
- Tama lang na i-boycott ang mag-asawang Raymart at Claudine
- Battered child kaya pala pasaway
- Nangunguna kahit baguhan pa
- Kim Chiu, Xian Lim totohanan na ang relasyon
- Sharon Cuneta nagpakumbaba na kay Helen Gamboa
- Bukod sa may Jake Cuenca na… Shaina Magdayao napuno sa pambababae at pagiging lasenggo ni John Lloyd Cruz?
- Pasaway na aktres mahilig makipagkuyangyangan sa mga bagets na guwapings



