Today's Punto
Today's Punto
Showbiz
Lalaban na kay Amy Perez??? Atty. Persida Acosta araw-araw na sa television!
By Ceasar Pambid

Jan 31, 2012

Hindi after sa rating ng show si Attorney Persida Rueda Acosta kungdi ang makatulong at magampanan ang tungkol sa public service show niyang Public Atorni: Asunto O Areglo ng TV5.

Kaya naman kahit nagpalit sila ng timeslot ng Face To Face ni Amy Perez simula this week, ipinagdiininan niyang walang kumpetisyon at wala silang away ng TV host-actress.

After one year sa ere on a weekly time slot, araw-araw na ang “mediation on air” program ng Public Attorney’s Office Chief. Pero walang conflict sa show nila ni Amy na halos magkapareho ng tema?

“Pareho ng batas ang ina-apply pero magkaiba ang pangyayari sa tunay na buhay. Ito po ang pagkakaiba naming.

Sa umpisa pa lang ay binabawal ko na ang murahan. Bawal ang suntukan sapagkat ito po ay aura ng isang courtroom kung saan may kapangyarihan ang  aming opisina na mag-mediate.

Kasi po, mula po nang ako ay umupo, mahigit kalahating milyong mediation cases ng hinawakan ng PAO,” pahayag niya at ipinakita sa video ang bilang ng mga kasong naresolba ng office niya  sa pamamagitan ng mediation.

Pero nilinaw ni Atty. Persida na walang conflict sa trabaho niya ang taping ng kanyang show dahil tuwing Sabado at Linggo ang pakikipagharap niya at paggawa ng solusyon sa mga taong hindi nagkakaunawaan.

Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions