Halata at trying hard ang gimik na pagli-link kay Gwen Zamora. Para kasing sobra namang matagal pa yung nagkatambal sila ngayon lang sila ini-link na dalawa.
Kung kelan meron ng Pauleen Luna si Bossing saka pa sumisingit si Gwen na halatang may crush kay Bossing.
Did you kow na noong ipa-interview si Gwen para sa Biritera, ng GMA 7, talagang tungkol kay Bossing Vic ang hinirit niya?
Na kesyo wala raw siyang pakialam kay Pauleen kahit na magselos ito. May tono pa si Gwen na mas close pa nga siya sa pamilya ni Bossing. Kasi raw, boto sa kanya si Oyo Boy who is openly a kontra sa relasyon nina Bossing at Pauleen.
Anyway, maganda naman ang mga patutsada ni Gwen tungkol sa mga experiences niya kay Bossing.
Na tumaba raw si Gwen Zamora habang sinu-shooting ang nakaraang filmfest entry na Enteng Ng Ina Mo nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.
Biro nga ng press na kumausap sa kanya sa press launch ng kinabibilangan niyang show na Biritera, hindi niya talaga makalimutan ang muli nilang pagsasama ni Vic, huh!
“Eh, doon nga kasi ako tumaba! Ha! Ha! Ha!” rason ng baguhang aktres.
Bakit patuloy pa rin silang nali-link ni Bossing?
“Weehhh! Kami pa rin? Akala ko sila ni… Wala akong alam,” sey niya.
Nali-link pa rin nga sila, huh!
“Haba ng hair ko! Ha! Ha! Ha!” saad niya.
Pero may tsismis na kapag out-of-town shooting, magkatabi silang matulog ni Vic.
“What??? Hindi, hindi. That was when there were no more rooms where we were staying! Pero nandoon naman ang PA ko, yaya ko, saka mga aso ko. Sa Tanay tapos, separate beds naman.
Pero we were a lot in the dressing room. Pero one scene lang ako doon kaya hindi ako natulog doon!” katwiran ni Gwen.
Ano ’yung chika na natulog siya at one room sila?
“Hindi po. Kasi one scene lang ako roon sa Tanay. One room but different bed,” sagot ng baguhang aktres.
Bakit patuloy pa rin ang pagbibigay malisya sa friendship nila ni Vic?
“Hindi ko talaga alam. Bakit?” balik-tanong niya sa amin.
Alam ba niyang meron nang ibang babae si Vic?
“I know but it’s not my problem!” katwiran ni Gwen.
Ano ang feeling niya?
“I feel the same! How should I feel? Ha! Ha! Ha!” halakhak niya.
Naramdaman ba niyang pinagseselosan siya ni Pauleen?
“Ay, hindi! When I guested in Bubble Gang at Eat Bulaga, mabait naman siya. Same, same!” pahayag ng young actress.
Mas pabor daw sa kanya si Oyo Sotto kesa kay Pauleen.
“Ganoon? Ay hindi, kasi pinaglutuan ko sila after Christmas. Sina Bossing, Oyo at Kristine (Hermosa). Tomato pasta, Italian style!” chika ni Gwen.
Pinagluluto niya pala si Bossing, huh
“Hindi. I just brought food in set where I cook also. Wala siya sa set kaya medyo siya nagtampo kaya nagluto ako!” dahilan ni Gwen na first time naman makakapareha si Dennis Trillo sa Biritera.
- Buntis napaanak sa show ni Jhake Vargas
- Xian Lim araw-araw na gustong makita si Kim Chiu
- Kagatin kaya ng publiko ang bagong loveteam ng GMA 7?
- Laos na singer-singeran ipinanraraket ang bikini open?
- Karylle naniniwala sa kasal
- Tama lang na i-boycott ang mag-asawang Raymart at Claudine
- Battered child kaya pala pasaway
- Nangunguna kahit baguhan pa
- Kim Chiu, Xian Lim totohanan na ang relasyon
- Sharon Cuneta nagpakumbaba na kay Helen Gamboa
- Bukod sa may Jake Cuenca na… Shaina Magdayao napuno sa pambababae at pagiging lasenggo ni John Lloyd Cruz?
- Pasaway na aktres mahilig makipagkuyangyangan sa mga bagets na guwapings



