Today's Punto
Today's Punto
Showbiz
Take note, Jennylyn Mercado… Governor Vilma Santos hindi raw magiging kontrabidang biyenan
By Ceasar Pambid

Jan 30, 2012

Laging may magandang review si Gov. Vilma Santos sa  mga karelasyon ng kanyang anak na si Luis Manzano.

Sa totoo lang, masuwerte ang magiging daughter-in-law ni Governor Vilma Santos dahil aminado siyang hindi siya pakialamerang biyenan at may pagka-liberal-minded din.

One proof ay nang itanong namin ang kanyang point of view sa pagli-live-in at kung siya ba ang tipo ng ina na mato-tolerate ang ganu’ng set-up sa kanyang anak.

“Alam mo, iba na ang generation ngayon, eh. We are not saying it’s right. Pero maraming gumagawa. And hindi rin naman natin masasabi na tama ’yun or mali ’yun.

“Kung minsan, nakakatulong ’yun para makilala mo ’yung tao, you get me? So, wala akong ano, kung sa tingin mo, makakabuti sa ‘yo at wala kang inaapakan, then go!

“Ako, isang natutunan ko rin kasi, sa tinatagal-tagal ko na sa showbusiness, ’pag lagi mong iisipin kung ano ang sasabihin ng tao, naku, wala, hindi ka magiging masaya,” pahayag ni Ate Vi.

Basta raw ang importante, wala kang inaapakang tao at wala kang iniisahan or sinasaktan.

“Pero kung lagi mong iisipin kung ano ang sasabihin sa ’yo ng tao, wala kang pupuntahan. Because you cannot be perfect naman, eh. Ang importante lang, matuto ka. And at the end of the day, dapat, kung tumatanda ka, may pinagkakatandaan ka naman. ’Yon lang ’yun. That’s life,” aniya.

As a mother, pwede raw siyang maging makulit pero hindi raw siya mahilig mangialam.

“Makulit ako kasi lagi akong nagte-text, ‘anak, nasaan ka?’ ’Yun lang, malaman mo lang kung nasaan ang anak mo, ‘nandito ako mom, in the house or mom, nandito ako sa ganito’. Malaman mo lang na okay ang anak mo, that’s good enough.

“’Yun, kaya makulit. Pero ’yung pakialamera, I don’t think so. Because I don’t meddle with mga personal na bagay.”

Ano kaya ang mararamdaman niya kung one of these days, sabihin ng panganay niyang si Luis Manzano na mag-aasawa na ito?

“Well, okay lang. Okay lang sa akin.”

Sa tingin niya, ready na siya?

“Oo naman, hindi ko lang alam kapag nakita ko na sa aisle,” say niya saka tumawa. “Kasi, uma-attend ako ng wedding ng iba, kung sa iba, naiiyak ako, lalo na kapag close sa akin, tapos, nakikita ko, lumalakad ’yung bride, naiiyak na ako du’n, how much more, Diyos ko, kung anak ko na ’yun?

“Pero happy, ha?  Hindi kontrabida, happy,” sey ni Ate Vi na natatawa pa rin.

Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions