Natiyempuhan ng ilang entertainment press si Direk Cathy Garcia-Molina last Friday night habang nagsu-shooting sa Starbucks ng ABS-CBN ng Unofficially Yours na pinagbibidahan nina Angel Locsin and John Lloyd Cruz.
Showing na pala ang movie sa Feb. 15 at may mga natitirang scenes na lang para matapos ang movie.
Natanong nga kay Direk Cathy kung true ba sangkatutak ang bed scenes dito nina Loydie at Angel at may balita pang hubo’t hubad daw ang dalawa.
“Marami kasing bed at kissing scenes, e, kailangan talaga nakahubad. Ayaw naman ni John Lloyd maglagay ng plaster kasi masakit daw, so, nakatakip lang siya ng kumot, ’pag take na, tatanggalin niya,” sey ng box-office director.
Si Angel siyempre ay may takip naman daw.
“Naka-bra at panty, may takip, siyempre. Bilib nga ako kasi walang kiyeme si Angel, talagang sumusunod,” pahayag pa ng box-office director.
In fairness kay Loydie ay alagang-alaga raw nito ang leading lady at napaka-gentleman daw. Hindi raw ito tumitingin kay Angel kapag hindi take at kahit kinakausap niya ito ay nakatalikod siya.
“Tapos ’pag take na, doon palang titingin si John Lloyd,” kuwento ni Direk Cathy.
Pagkatapos ng Unofficially Yours ay isusunod na ng lady director ang third movie nina Loydie at Sarah Geronimo na aniya ay wala pang title.
- Buntis napaanak sa show ni Jhake Vargas
- Xian Lim araw-araw na gustong makita si Kim Chiu
- Kagatin kaya ng publiko ang bagong loveteam ng GMA 7?
- Laos na singer-singeran ipinanraraket ang bikini open?
- Karylle naniniwala sa kasal
- Tama lang na i-boycott ang mag-asawang Raymart at Claudine
- Battered child kaya pala pasaway
- Nangunguna kahit baguhan pa
- Kim Chiu, Xian Lim totohanan na ang relasyon
- Sharon Cuneta nagpakumbaba na kay Helen Gamboa
- Bukod sa may Jake Cuenca na… Shaina Magdayao napuno sa pambababae at pagiging lasenggo ni John Lloyd Cruz?
- Pasaway na aktres mahilig makipagkuyangyangan sa mga bagets na guwapings



