Today's Punto
Today's Punto
Showbiz
Pinakaplastik na Christmas party ever!
By Ceasar Pambid

Jan 23, 2012

Marami kaming narinig na nasty comments sa late X’ Mas party supposedly ni Sarah Geronimo para sa ilang piling press sa mismong resto nila na newly acquired pa lang.

Sabi ng ilang invited, medyo asiwa raw silang gumalaw dahil mukhang nagamit lang sila at hindi talaga pa-thank you or X’Mas party ang imbtasyon.

It turned out, promo pala ito ng bagong Sunday show ni Sarah G sa ABS which will replace Vice Ganda’s show.

Meaning, ipino-promote si Sarah pero sinibak pala si Vice Ganda.

Bakit kaya?

Iniisip ba ng Dos na mas mabenta pa si Sarah kesa kay Vice Ganda.

Anyway, mag-rate kaya ang program ni Sarah at this point? In pa ba’ng mga tipong gaya ng mga pinagsaawan ng kina Sharon Cuneta at iba pang kagaya niya?

O baka naman, isang season lang, papatayin na ito?

By the way, talaga raw napaka-plastik ng arrive ng mag-inang Sarah at Divine sa ek na handog nila sa press.

Una na nga yung kilala sa pagiging nuknukang kuri ang mag-ina na di talaga marunong mag-share ng blessings.  Lumalabas na hindi naman pala nila gastos ang thanksgiving party na kunwari handog nila pero sa true, sa PR ito ng ABS-CBN.

Hahaha!

And did you know, walang aksyon sa naturang party, konting interview at ilang pa-raffle, tapos na.

At yung mga topic na pinag-usapan, buong kaplastikang sinagot ni Sarah. Kesyo ganito at ganyan ang regalo sa kanya ni Gerald Anderson.

Susme, ginamit pa si Gerald gayung wala naman itong kinalaman sa project niya!

Ang masarap abangan ngayon, I-welcvome kaya ng publiko ang bagong show ni Sarah Geronimo at payag na mawala si Vice Ganda?

Subukan pa mu, para mabalu!
 

Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions